Magaling magluto ang aking mama Tersi, kung anu-anong putahe na nga ang naipatikim niya sa amin na siya mismo ang nagluto. Sa tingin ko nga isa ito sa mga dahilan kung bakit sobrang nahiligan ko ang pagkain. Kung minsan pa nga ay mas gusto ko pa ang kanyang mga lutuin kaysa sa mga pagkain sa restawran, mas nasasarapan pa ako. Iba talaga ang lutong bahay, lalo na ang luto ni mama Tersi. Marami akong paborito sa kanyang mga niluluto tulad ng nilagang baka, lumpiang shanghai, menudo at kung anu-ano pa ngunit ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang kaldereta. Naging paborito ko ito dahil mahilig ako sa pagkaing may sarsa. Kung papipiliin naman ako ng mga pangunahing sangkap tulad ng baboy, isda, gulay o baka ang pinakagusto ko ay ang baka dahil sa natural nitong sarap at mayaman pa ito sa protina na maganda para sa ating katawan. Sa panahon ngayon ay dapat mapili na tayo sa ating kinakain dahil sa mga preservatives na hindi naman maganda sa ating kalusugan. Ang kalderata ay simple lamang lutuin, madali lang hanapin ang mga sangkap nito. Ilan sa mga ingredients ay ang carrots, patatas, kamatis, bawang, sibuyas, tomato sauce, at baka. May isang beses pa nga ay sinubukan ko itong lutuin, di man ganun katulad sa luto ng mama ko pero masarap pa rin naman. hahaha! Naalala ko tuloy na lagi ko itong pinapaluto kay mama lalo na nung ako ay highschool pa lamang dahil gusto ko itong baon sa eskwelahan. Sa school kasi ay sabay-sabay kaming kumakain ng aking mga kaibigan kapag lunch na namen at nagsasalu-salo kame ng mga baon. Gusto rin nila ang lutong kaldereta ni mama kaya nga dinadamihan ko ang aking baon para lahat ay makakain nito.
Sana ay magaya ko rin ang luto ni mama o mas masarap pa para mapatikim ko naman sainyo ang kalderetang ito! :))) Napakasarap nito at inyong hahanap hanapin pag inyong natikman... Kaya kapag bumisita kayo sa aming bahay ay sisiguraduhin kong matitikman ninyo ang kaldereta ni mama Tersi. :)))
-- Katherine Zapiter 1H3
-- Katherine Zapiter 1H3
pakilala mo nmn kami kay mama tersi.hehe oo nga masarap tlga ang kaldereta lalo na pag may buto-buto at madaming patatas.:)
ReplyDeleteWow! Patikim naman ng Kaldereta ni Mami Tersi!
ReplyDeletewow nmn c mama tersi! :) masarap nga tlga ang kaldereta! :)
ReplyDeleteWOW! MUKANG MASARAP! PAHINGI :]
ReplyDelete-JAZIEL
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletePaborito ko rin yang kaldereta, lalo na kapag tatay ko na nagluluto. Haha! :) Talagang masarap yan!-Belle
ReplyDeletesosyal ni mama tersi, me endorsment :)) haha sarap nmn :D
ReplyDelete-sean <3
YIZ NOMON, pakilala mo samin si mama tersi ah? :) Kaldereta? HEAVEN yan, kahit bihira lang ako kumain nyan ;;) -nel
ReplyDelete